Posted by: tigergrassroots | June 13, 2011

Manifesto of the OFWs and Families read during the 1st National Congress of OFWs and Families last June 7, 2011

The following manifesto comprises all the consolidated outputs from the consultations between the OFWs and families conducted in the 17 regions nationwide. As an OFW, do you share the same sentiments and views? Please feel free to comment.

Manifesto

Kami, sampu ng mga kalahok ng 1st National Congress of OFWs and Families, ay naghahain sa ating Mahal na Pangulo Benigno C. Aquino III, n gaming kahilingan tungo sa ikabubuti ng aming kalagayan.

Kami po ay nangibang-bansa sa samu’t saring naging karanasan. Ilan sa amin ay nakaranas ng illegal recruitment/trafficking at nagbayad ng malaking placement fees.

Nang nasa ibang bansa na, hindi namin inalintana ang posibleng panganib at negatibong epekto na dulot ng pansamantalang pagkawalay at pangungulila sa aming mga pamilya, at mahirap na trabaho upang makamit ang aming pangarap na makapagtapos ng pag-aaral ang aming mga anak o kapatid, makapundar ng sariling bahay, at magkaroon ng puhunan para sa sariling negosyo.

Bagamat marami sa amin ang nakatupad ng mga pangunahing pangarap na ito, ilan pa rin sa amin ay nakaranas ng pagmamaltrato ng amo, hindi inaasahang maagang pag-uwi dulot ng political conflict, kalamidad o pagkakasakit.

Pagtapos ng aming kontrata, ilan po sa amin ay walang makuhang trabaho dahil sa edad, wala o hindi sapat ang puhunan para magtaguyod ng negosyo, at hindi napakinabangan ang mga natutunang skills mula sa ibang bansa dahil sa kakulangan ng suporta mula sa gobyerno.

Kaugnay nito, kami ay dumudulog na mabigyan ng solusyon ang sumusunod naming mga hinaing at kahilingan:

Una, proteksiyon pangkagalingan (social protection) sa mga kasamahan naming mga OFW na kasalukuyang nasa ibang bansa pa, mga pamilya namin dito at kaming mga nakauwi na magkaroon ng:

• Death and Disability benefit para sa mga nakauwing OFW (non-active OFW members)
• Improved Comprehensive Health Care Benefit Package para sa mga OFWs at aming pamilya, at sa mga nakauwi na, kabilang ang mga ‘catastrophic/dreaded diseases’ medical rehabilitation, ang pamamahagi ng OFW Health Card, magaan na premium (affordable) medical care plan, at pagpapatayo ng OFW medical hospitals o wings sa lahat ng regions o key cities ng bansa;
• Programa para sa Retirement Benefit Package para sa mga OFWs
• Sistema ng pagbabayad ng membership sa SSS, Pag-Ibig, at PhilHealth

Pangalawa, sa larangan ng Edukasyon at Pagsasanay para sa mga kasamahan naming mga OFW na kasalukuyang nasa ibang bansa pa, mga pamilya naming dito, at kaming nakauwi na magkaroon ng:

• Libreng pagsasanay (capacity, EDT, techno-skills training)
• Mas malawak na college scholarship program ng OWWA sa pamamagitan ng pagdagdag ng slots sa buong taon, kasama ang pagpapagaan sa mga rekisitos sa pagpasok sa kolehiyo, lalo na sa average marks, pagtataas ng subsidiyo, at programa para sa guidance counseling at class reviews sa mga aplikante-scholars;
• Maraming bilang ng mga Community Learning and Training Centers sa mga probinsiya, at;
• Tuloy-tuloy na Congressional Migrant Workers Scholarship Program (CMWSP)

Pangatlo, para sa Serbisyong Kapakanan sa ibang bansa, or On-Site Welfare Services, hinihiling namin na:

• Matugunan ang problema sa pang-aabuso ng ilang employers;
• Maipatupad ang mga probisyon na nakatalaga sa aming kontrata;
• Palawakin at palakasin ang computer literacy para sa mga OFWs na nasa abroad at sa kanilang naiwang pamilya sa Pilipinas;
• Mabigyan ng agarang legal assistance ang mga nangangailangan OFWs;
• Higit na mabilis at maayos na repatriation ng mga distressed at mga stranded na OFWs; at,
• Isali ang aming pamilya sa Pre-Departure Orientation Seminar

Pang-apat, sa Serbisyong Reintegrasyon, hinihiling namin na:

• Mabigyan ang mga OFWs ng tuloy-tuloy na entrepreneurial support programs tulad ng pagbibigay ng madaling access ng puhunan at magaan ang terms at conditions sa pagbayad ng applied loan para sa mga displaced at nakauwing OFWs;
• Mas paigtingin ang financial literacy programs sa loob at labas ng bansa;
• Mas palawakin at palakasin ang psychosocial sessions sa buong rehiyon ng ating bansa para sa ating mga distressed OFWs at kanilang pamilya;

Panghuli, hiling din po namin na matigil na ang illegal recruitment at human trafficking at ang pagbabayad ng malaking placement fees sa mga recruitment agencies.

Naniniwala po ang sektor ng OFWs, kasama ang kanilang mga pamilya, na tutugunan ng ating Mabuting Pangulong Benigno Aquino III ang aming mga inihain na kahilingan. Alam namin na gagawin ng kasalukuyang administrasyon ang lahat ng kanyang makakayanan upang lalong mapabuti ang kapakanan naming mga OFWs at ng aming pamilya.

Salamat po at kami ay nabigyan ng magandang pagkakataon na masabi namin ang aming nasa puso at isipan.

Muli, inaasahan naming mga lumagda ang maayos, matiwasay, at agarang katuparan ng aming mga kahilingan.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: