Posted by: tigergrassroots | June 29, 2011

GABAY SA PAGHIRAM NG PONDONG PANGNEGOSYO MULA SA OFW REINTEGRATION PROGRAM

  • Ang nanghihiram ay isang OVERSEAS FILIPINO WORKER
  • May siguradong merkado at establisado ang mamimili o kliyenteng pag-uukulan ng produkto o serbisyo
  • May sapat na kita na umaabot sa P10,000 kada buwan
  • Ang paggagamitan ng pondo ay bilang puhunan/dagdag-puhunan o kaya ay pambili ng kagamitang pang-negosyo gaya ng makina at paninda Ukol sa pondo
  • Ang proyekto/negosyo ay cost-sharing. Ibig sabihin, ang total project cost ay paghahatian ng programa at nanghihiram kung saan 80% ay popondahan ng programa samantalang ang 20% ay magmumula sa nanghihiram.
  • Maaaring umutang ng mula P300,000 hanggang P2 million
  • May 7.5% interest kada taon sa kabuuang panahon ng pag-utang
  • Para sa short term loans, ang pagbabayad ay sa loob lamang ng isang taon. Para sa long term loans, ang pagbabayad ay base sa cash flow at hindi lalampas sa tinalagang pitong (7) taon, kasama na ang grace period na dalawang (2) taon para sa principal amount

Mga Kailangang Dokumento:

  • Biodata ng aplikante
  • OWWA certification na ang aplikante ay lehitimo at documented overseas worker, nakatapos ng Entrepreneurial Development Training, at may credit history
  • Business plan o proposal na nagsasabing ang negosyo ay magbibigay kita para sa OFW at kanyang pamilya

Kung ang pondo ay gagamitin sa isang existing business:

  • Mga kasulatan o kontrata gaya ng purchase order, service contract o agreement mula sa mga naging kliyente ng negosyo
  • Certificate of Registration mula sa Department of Trade and Industry (DTI)
  • Mayor’s Permit
  • Income Tax Return (huling tatlong taon)
  • Financial Statements na nai-file sa Bureau of Internal Revenue (huling tatlong taon)
  • Interim Financial Statement (kung naaayon)
  • Statement of Assets and Liabilities

Responses

  1. maam/sir pwedi ba ang asawa po ang magfile ng loan kc pinapatanong ng aking asawa na ofw sah.k. at kasalukuyan andun cia ngaun.

    • Pwede ho.

      • Saan ofc.km pwedi pumunta po d2 lng km Q.C.

  2. Gusto ko po sumali sa dagdag puhunan paano po

    • Gusto ko po sumali sa dagdag puhunan paano po

      • Makipag-ugnayan po sa Regional Welfare Office ng OWWA na sumasakop sa inyong lugar.
        Salamat po.

  3. maam/sir pina patanung po nag asawako paanu po kung d kame kasal pero may mga anak n kme at ilang taon nadin kame nag sasama ung partner ko. pwedi po ba kame mag loan ako ung mag file. at kung sakali anu po yong mga kailangan.

    • Ang magpa file po ng loan ay ang OFW na may OWWA membership. Hindi ko lang po alam kung i-honor ang Special Power of Attorney niyo as partner kung sakaling kailanganin ang transaksiyon na hindi magagampanan ng OFW dahil sa ibang kadahilanan.

      Mainam po na makipag ugnayan sa OWWA Regional Welfare Office na sumasakop sa inyong lugar para sa iba pang detalye ng business loan.

      Salamat po.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: