Posted by: tigergrassroots | July 9, 2011

Isa sa bawat 5 OFW ay nasa Saudi Arabia – NSO

Ayon sa 2010 survey ng National Statistics Office (NSO) ukol sa Overseas Filipinos, isa sa bawat limang OFW na lumabas ng bansa ay naninilbihan sa Kingdom of Saudi Arabia. Napapanahon ang resultang ito habang abala sa paghahanda ang mga ahensiya ng gobyerno gaya ng DOLE, POEA at OWWA ukol sa maaapektuhang OFWs hinggil sa mainit na isyu ng Saudization policy na magtatapos sa September 10.

Tinatayang may $1.54 billion ang naipasok na overseas remittances sa bansa mula sa kinita ng mga OFWs sa Saudi Arabia noong nakaraang taon.Ito ay kumakatawan sa 9 porsiyento ng lahat ng OFW remittances.  May $491.89 million naman ang nakolekta mula January hanggang April ngayong taon, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Dagdag pa ng survey, may 2 milyong OFWs ang nasa iba’t ibang bahagi ng mundo mula April hanggang September ng nakaraang taon.

Sabi ng National Economic Development Authority (NEDA) na nakasaad sa Philippine Development Plan 2019-2016 ng Aquino Administration, ang malaking bilang na ito ay nagpapatunay lamang ng kawalan ng oportunidad sa bansa. Sinasaad din dito na anumang domestic investments gaya ng pagnenegosyo ay napipigilan.

Pagpapadala sa bangko

Umaabot lamang sa 54.7 percent ng mga OFWs ay nagpapadala ng remittances sa pamamagitan ng bangko. Sa halagang  P141.23 billion na katumbas ng foreign exchange na naipadala sa bansa, P77.26 billion ay ipinasa sa banking system. Sinasabi nito na kailangan pang isaayos ng BSP ang kampanya sa paggamit ng banking system para maengganyo ang mga OFWs na dumaan sa pormal na remittance channels.

Mas pinipili ng OFWs na dalhin na lamang ang kanilang kita sa pag-uwi nila sa bansa kaysa ipadala ito sa remittance channels. May P30.13 billion cash ang naidadala sa bansa habang ang mga pasalubong naman ay nagkakahalaga ng P6.23 billion. Ang iba ay nagtitiwala sa kanilang mga employment agencies,  door to door services, mga kaibigan at ka-trabaho para dalhin ang kanilang pinaghirapang pera sa kanilang mga pamilya.

Ayon sa NSO, isa sa bawat limang OFW ay nagtatrabaho bilang laborer o unskilled worker habang 18 porsiyento naman ay nasa higher paying positions gaya ng manager, professional o technician. Umabot sa P20.6 billion ang naipadala ng mga laborers at unskilled workers.

Noong 2010, umabot sa US$18.8 bilyon ang remittances na idinaan sa bangko. Ito ay 8.2 percent na mas mataas kaysa noong 2009, sabi ng NEDA.  Kung ang total nito ay 54.7 percent lamang ng kabuuang remittance, gaya ng sinasabi ng NSO, ang total remittances sa 2010 ay nasa $34.37 billion.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: